Sony Xperia Z3 Compact - Paghanap sa identification number ng iyong device

background image

Paghanap sa identification number ng iyong device

Ang iyong device ay may natatanging ID (identification) number. Sa iyong device, ang

numerong ito ay tinatawag na IMEI (International Mobile Equipment Identity). Dapat kang

magtago ng kopya ng numerong ito. Maaaring kailanganin mo ito, halimbawa, kapag

ina-access mo ang serbisyo ng Xperia™ Care support at kailangan mong irehistro ang

iyong device. Gayundin, kung mananakaw ang iyong device, maaaring gamitin ng ilang

network provider ang numerong ito upang mapigilan ang device na ma-access ang

network sa inyong bansa.

Para tingnan ang iyong IMEI number

1

Alisin ang takip para sa holder ng nano SIM card.

2

Ipasok ang dulo ng isang hindi nakatuping paper clip (o katulad na bagay na may

mahaba at pinong dulo) sa butas sa tray ng label, pagkatapos ay i-drag palabas

ang tray para tingnan ang iyong IMEI number.

Para tingnan ang IMEI number, maaari mo ring buksan ang dialer ng telepono sa iyong device

at ipasok ang

*#06#

.

Upang tingnan ang iyong IMEI number sa pamamagitan ng mga setting ng device

1

Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .

2

Hanapin at tapikin ang

Mga Setting > Tungkol sa telepono > Katayuan >

Impormasyon ng IMEI.

19

Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.