Sony Xperia Z3 Compact - Mga Widget

background image

Mga Widget

Ang mga widget ay maliliit na application na direkta mong magagamit sa iyong Home

screen. Gumagana rin ang mga ito bilang mga shortcut. Halimbawa, nagbibigay-daan sa

iyo ang widget ng Panahon na makita nang direkta sa iyong Home screen ang

pangunahing impormasyon sa panahon. Ngunit kapag tinapik mo ang widget, bubukas

ang buong application na Panahon. Maaari kang mag-download ng mga karagdagang

widget mula sa Google Play™.

Upang magdagdag ng widget sa Home screen

1

I-touch nang matagal ang isang bakanteng bahagi ng iyong Home screen

hanggang sa mag-vibrate ang device, pagkatapos ay tapikin ang

Mga Widget.

2

Hanapin at tapikin ang widget na gusto mong idagdag.

Upang baguhin ang laki ng isang widget

1

Pindutin nang matagal ang widget hanggang sa lumaki ito at mag-vibrate ang

telepono, pagkatapos ay bitawan ang widget. Kung maaaring mabago ang laki ng

widget, may lilitaw na frame sa pag-highlight at mga tuldok sa pagbabago ng laki.

2

I-drag ang mga tuldok papasok o palabas upang paliitin o palawakin ang widget.

3

Upang kumpirmahin ang bagong laki ng widget, tumapik saanman sa Home

screen.

Upang ilipat ang isang widget

I-touch at tagalan ang widget hanggang sa lumaki ito at mag-vibrate ang device,

pagkatapos ay i-drag ito papunta sa bagong lokasyon.

Upang magtanggal ng widget

I-touch at tagalan ang widget hanggang sa mapili ito, pagkatapos ay i-drag ito sa

Alisin sa Home screen.