Pag-syncronize sa mga online account
I-synchronize ang iyong device sa mga contact, email, mga kaganapan sa kalendaryo at
iba pang impormasyon mula sa mga online account, halimbawa, mga email account
gaya ng Gmail™ at Exchange ActiveSync, Facebook™, Flickr™ at Twitter™. Awtomatiko
kang makakapag-synchronize ng data para sa ganoong mga account sa pamamagitan
ng pag-aktibo sa function na auto-sync. O kaya, magagawa mong i-synchronize nang
manu-mano ang bawat account.
Upang mag-set up ng online na account para sa pag-synchronize
1
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .
2
Tapikin ang
Mga setting > Mga Account > Magdagdag ng account, pagkatapos
ay piliin ang account na gusto mong idagdag.
3
Sundin ang mga tagubilin upang gumawa ng account, o mag-sign in kung
mayroon ka nang account.
Upang mag-synchronize nang manu-mano sa isang online na account
1
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang >
Mga setting > Mga Account.
2
Sa ilalim ng
Mga Account, tapikin ang pangalan ng account na gusto mong i-
synchronize. Lalabas ang isang listahan ng mga item na nagpapakita kung ano
ang maaaring ma-synchronize sa account.
3
Tapikin ang mga item na gusto mong i-synchronize.
Upang mag-alis ng online na account
1
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang >
Mga setting > Mga Account.
2
Sa ilalim ng
Mga Account tapikin ang pangalan ng account na gusto mong alisin.
3
Tapikin ang , pagkatapos ay tapikin ang
Alisin ang account.
4
Tapikin muli ang
Alisin ang account upang kumpirmahin.