Ang paggamit ng iyong device bilang isang fitness hub gamit ang
ANT+™
Maaari mong gamitin ang iyong device gamit ang mga produktong pangkalusugan at
fitness na sumusuporta rin sa teknolohiya ng ANT+™. Halimbawa, kung gumagamit ka
ng isang heart rate monitor at isang foot pod na tumutugma sa ANT+™ (upang sukatin
ang bilis at layo), maaari mong kolektahin ang lahat ng data mula sa pagtakbo sa iyong
device. Pagkatapos, maaari mong suriin ang iyong performance at tingnan kung paano
ka pa huhusay.
Maaari kang mag-download ng iba't ibang application mula sa Google Play™ na
sumusuporta sa mga ANT+™ na device para sa sport, fitness at kalusugan. Para sa
impormasyon tungkol sa mga produktong tumutugma sa ANT+™, pumunta sa
www.thisisant.com/directory.